• Breaking News

    Tuesday, July 18, 2017

    After meeting with President Duterte: "Alam natin kung kanino tayo dapat umasa" — Bayan Official

    President Rodrigo Roa Duterte recently had a meeting with several members of progressive and nationalistic groups in the country where significant socio-political issues were discussed. 



    However, the meeting was a “lackluster” after the president and progressive groups members did not meet eye to eye with the issues that were brought up which includes the release of political prisoners, end to contractualization, and lifting martial law in Mindanao.

    Given this, a protest rally is affirmed to be made by these progressive/nationalists group simultaneous to President Duterte’s State of the Nation Address (SONA). The intent was expressed by Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes Jr., in his Facebook post.

    “Matapos ang pag-uusap, lalong luminaw ang pangangailangan ng sama-sama at militanteng pagkilos para maipanalo ang mga kagyat na makabayan at demokratikong interes ng masa, at makamit ang pagbabago,” Reyes said in his post.

    Also in the said post, Renato emphasized their stand to combat martial law imposition of which Duterte has been very ardent about and was even planning to prolong.

    “Desidido ang Pangulo na palawigin ito. Desidido tayong labanan ito. (Nilinaw din natin na hindi tayo pabor sa ISIS),” Reyes explained.

    Aside from the martial law issue, the progressive group members also failed to solicit commitment from the president regarding issues on ending contractualization, pursuing free tuition for State Universities and Colleges, agrarian reform, and the cancellation of the Visiting Forces Agreement or VFA.



    "Lalong luminaw ang pangangailangan para sa malaking pagkilos sa darating na SONA sa July 24, at margining ang panawagan ng mamamayang lumalaban,” Reyes asserted.

    In conclusion to his post, Reyes emphasized their advocacy to pursue a nationalistic and democratic change. As how he had put it on his post:

    “Desidido tayo na palakasin pa ang ating panawagan para sa makabayan at demokratikong pagbabago, hindi mga bigong pangako. Patuloy nating lalabanan ang mga anti-mamamayan at anti-nasyunal na patakaran ng rehimen. Mas palalakasin pa ang panawagang “Peace talks ituloy!”, Reyes concluded.

    READ THE FULL POST BELOW:

    Ulat sa pag-uusap sa Pangulo ng mga lider ng BAYAN

    Una'y nagpapasalamat kami sa oras na inilaan ng Pangulo para sa pulong sa mga lider ng Bayan. Kami ang humiling ng pagpupulong. Tumagal ang pag-uusap nang mahigit isang oras. Isang taon na rin mula noong aming huling paghaharap. Kaiba sa mga nagdaang pag-uusap, mabigat ang pakiramdam ng mga lumahok. Naganap ang pulong na ito sa gitna ng tangkang palawigin ang Martial Law sa Mindanao at sa panahong nasa alanganin ang katayuan ng peace talks.



    Kasama sa delegasyon ang mga kinatawan ng progresibong partylist, mga organisasyong masa ng manggagwa at magsasaka at mga kinatawan mula sa Mindanao. (Maya ko na balikan ito).

    Wala nang masyadong pasakalye ang meeting, diretso agad kami sa mga mayor na usapin. Gaya ng inaasahan, matingkad ang pagkakaiba ng pusisyon sa Martial Law. Desidido ang Pangulo na palawigin ito. Desidido tayong labanan ito. (Nilinaw din natin na hindi tayo pabor sa ISIS).

    Sa usapin ng peace talks, dala ng Pangulo ang linya ng kanyang secuirty cluster na "prolonged ceasefire" bago ang pag-uusap sa reporma. Publicly known naman ang pusisyon nilang ito at madalas na nagiging dahilan sa pagkaantala ng peace talks. Iba kasi ito sa framework ng peace talks na "lutasin ang ugat ng armadong labanan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng makabuluhang reporma." Ipatupad muna ang reporma para mahinto ang labanan.

    Wala tayong nakuhang komitment sa usapin ng pagtigil ng militarisasyon sa mga komunidad ng mga Lumad at atake sa mga paaralan ng Lumad. Realidad ng gera sibil ang turing niya dito.

    May ilang pagbubukas o posibleng pagsasalubong sa mga isyu tulad ng kontraktwalisasyon, libreng tuition sa SUC's at reporma sa lupa. Pero hindi pa matitibay ang mga komitment at mangangailangan pa ng malakas na paglaban ng masa. May ilang pagbubukas din sa usapin ng pagpapalaya sa mga may edad at maysakit na political prisoners. Tinanggap niya ang ilang liham mula sa mga political prisoners.

    Sa foreign policy, wala pa tayong mapanghahawakan na ibabasura nga niya ang VFA.

    Nais sana naming maghatid ng mas magandang balita sa mga kasama na naghihintay sa Mendiola, pero hindi ito ang sitwasyon. Matingkad kanina ang mga pagkakaiba sa mga mayor na isyu.

    Naisumite natin sa Pangulo ang 20-point urgent demands. Ang ilan sa tugon ay nasa taas na. Pinaabot natin sa Pangulo ang planong rally sa darating na araw ng SONA, doon malapit sa Batasan. Hindi naman daw niya ito pipigilan o haharangan.



    Matapos ang pag-uusap, lalong luminaw ang pangangailangan ng sama-sama at militanteng pagkilos para maipanalo ang mga kagyat na makabayan at demokratikong interes ng masa, at makamit ang pagbabago. 

    Alam natin kung kanino tayo dapat umasa.

    Lalong luminaw ang pangangailangan para sa malaking pagkilos sa darating na SONA sa July 24, at marinig ang panawagan ng mamamayang lumalaban. Desidido tayo na palakasin pa ang ating panawagan para sa makabayan at demokratikong pagbabago, hindi mga bigong panagko. Patuloy nating lalabanan ang mga anti-mamamayan at anti-nasyunal na patakaran ng rehimen. Mas palalakasin pa ang panawagang "Peace talks ituloy!"

    Kita-kits sa Batasan Road para sa People's SONA!




    Like this article? Send some love by clicking the LIKE button. Thank you!

    No comments:

    Post a Comment

    Follow Us on Facebook

    Political views and opinions published by News Gear PH does not necessary reflect the view of any particular political party.

    Total Pageviews