• Breaking News

    Wednesday, May 10, 2017

    EXPOSED: CORRUPTION sa DUTY FREE

    Corruption sa Duty Free
    By Greco Belgica

    Mga kababayan,


    Amin pong napag alaman na ang mga BOD's pala ng Duty Free ay siya ring may ari ng DFPSI na isang manpower agency na kumuntrata sa lahat ng empleyado ng naturing ahensya. Pwede po ba yun? Ito po ay may kaso na sa ombudsman at matagal ng reklamo ng mga empleyado doon dahil bukod sa bawas ng mahigit 51% ang kanilang nakukuha ayon sa COA, wala pa silang benepisyo na matatanggap o kulang pag sila ay nag retire.

    Nanalo sa Supreme Court ang mga empleyado subalit hindi parin sila inlalagay sa tamang katayuan hangang ngayon.

    Ang ilang sa kanila ay 30 taon ng nag tatrabaho doon, yung iba nag retire na at ang nakuha lamang ay 50k sa 30 taon na kanyang inilagi doon? Nasaan po ang ibang benefits?

    Amin po silang tinawagan sa interview na ito, subalit pinasusulat pa kami bago mag bigay ng kanilang sagot. Sinubukan po namin ulit silang tawagan sa ikalawang pagkakataon, ngunit ang sabi ay sasagot naman daw po sila subalit ang kanilang mga opisyal na aming hinahanap ay nasa meeting sa GCG. Pero inalam po namin ang totoo, wala pong meeting na naganap sa GCG nung araw na yon kasama silang lahat na aming hinahanap para bigyang liwanag ang isyung ito.
    May mga pangalan din pong binabangit ang mga taong ito na kanila raw pong koneksyon. Subalit nananalig kami na hindi papayagan ng mga taong ito ang korapsyon at pang aapi ng mga opisyal na ito at lalu na pag nakarating ito sa ating Pangulong Rodrigo Duterte.

    Mga kababayan, ikalat po natin ang isyung ito para sa katarungan. Para maiwasto ang tama, mabayaran ang mga taong nagserbisyo na kanilang lakas, oras at buhay para sa kanilang pamilya at kinabukasan. Ikalat natin ng makarating sa mga opisyal na may kayang gawin at para maka abot sa kaalaman at pandinig ng ating mahal na Pangulo.


    Wala po tayong ibang hangad, maliban sa katarungan, katotohanan, maibalik ang sahod ng mga tao, at mabayaran ng tama ang mga ordinaryong empleyado ng Duty Free Philippines. Upang wag ng maulit ang ganitong kalakaran at maitama ang ganitong mga sistema sa ating pamahalaan.

    Bukas po ang aming palatuntunan sa DZRH sa panig ng mga niririklamo ano man po ang kanilang nais sabihin.

    PANUURIN AT IKALAT! PARA SA PAGBABAGO AT KAUNLARAN.


    WATCH THE VIDEO BELOW:


    Source: Facebook | Greco Belgica
    ------------------------------------
    Let others know about this story by clicking the LIKE and SHARE button below. Thank you!

    No comments:

    Post a Comment

    Follow Us on Facebook

    Political views and opinions published by News Gear PH does not necessary reflect the view of any particular political party.

    Total Pageviews