• Breaking News

    Thursday, December 29, 2016

    Netizen to Leni Robredo: Hindi siya tunay na anak ng bayan

    Ang mga kababayan nating Bikolano ay kagaya ng iba pang mga Pilipino. Sa Maynila nakatira, nag-aaral, nagta-trabaho pero nasa probinsya ang bayan nila.

    Ang Pasko kagaya ng Semana Santa, Undas at Pista ay panahon ng pag-uwi nila sa kanilang bayan mula Maynila.

    Hindi sila kayang pigilan ng pila, siksikan, tayuan, trapik, bagyo, maski ni Satanas na mismo. Uuwi talaga sila. Kailangan makapiling nila ang pamilya at ang bayan.

    Pamilya ang sasabihin nilang dahilan ng pag-uwi pero sa totoo, mas mahabang oras ang ilalaan nila kasama ang kaibigan, kapitbahay, kababata, kalaro sa basketball. In short, mas mahabang oras ang ilalaan nila sa bayan.
    Disclaimer: Photo not owned; credit belongs to the owner

    Iyan ang problema ni Leni. Siya ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang anak ng Bikol ngayon. May tungkulin siya sa bayan. At dahil may kakayahan at kapangyarihan siya, may tungkulin siyang umuwi sa kanyang bayan upang damayan sila sa oras ng paghihirap nila. Lalo pa't nagbabakasyon lang naman siya.

    Isa lang ang ibig sabihin ng pagtalikod niya sa tungkuling damayan ang bayan sa oras ng pangangailangan nito: hindi siya tunay na anak ng Bikol. Hindi siya tunay na anak ng bayan.

    Tumira siya sa Bikol pero hindi niya ito kinikilalang bayan.


    Malaking pagbubunyag ang nangyaring ito dahil sa Bagyong Nina.

    By: Van Ybiernas




    Source: Facebook

    No comments:

    Post a Comment

    Follow Us on Facebook

    Political views and opinions published by News Gear PH does not necessary reflect the view of any particular political party.

    Total Pageviews